
PIHADONG nakatunog ang isa sa dalawang police generals na dawit sa P6.7-bilyon anti-illegal drugs operation sa lungsod ng Maynila noong Oktubre 2022, matapos kumpirmahin ng Philippine National Police (PNP) na wala na sa Pilipinas ang pakay ng lumabas na warrant of arrest.
Gayunpaman, hindi tinukoy ni PNP concurrent spokesperson Brigadier General Jean Fajardo ang pagkakakilanlan ng heneral na umeskapo ilang araw bago lumabas ang mandamiento de arresto kaugnay ng kontrobersyal na drug bust kung saan nabisto ang pagnanakaw ng ebidensyang droga ng mga mismong operatiba.
Dalawa sa 29 inisyuhan ng warrant of arrest sina Lt. Gen. Benjamin Santos Jr. na dating deputy PNP chief for operations, at Brig. Gen. Narciso Domingo.
Pag-amin ni Fajardo, Enero 8 pa nakalabas ng bansa ang hindi pinangalanang general.
Sa kasalukuyan, siyam na pulis na sangkot sa kaso ang target ng malawakang manhunt, habang 20 ang nasa kustodiya na ng PNP. (EDWIN MORENO)