PARA sa Department of Justice (DOJ), isang tagumpay kontra terorismo ang hatol ng husgado laban sa mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio na pinatawan ng 12-taong pagkakakulong sa salang terrorism financing.
Pagmamalaki ng kagawaran, matinding dagok laban sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na kinabibilangan umano ni Cumpio ang pagkapanalo ng gobyerno sa kaso.
Gayunpaman, nanindigan ang iba’t ibang militanteng grupo na isang paniniil sa karapatan ng mga Pilipino ang hatol ng Tacloban City Regional Trial Court Branch 45. Katunayan anila, wala maski isang pagdinig na naganap sa loob ng anim na taon ng pananatili ni Cumpio sa piitan.
Giit naman ng DOJ, sapat na ang mahigit kalahating milyong piso na narekober umano kay Cumpio at sa kapwa akusadong si Marielle Domequil. Isinaalang din din umano ng korte ang resulta ng imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council.
Sa pananaw ng DOJ, pinatunayan ng desisyon ng korte ang matibay na paninindigan ng pamahalaan laban sa terorismo. (JULIET PACOT)
