
“SET me free and I will take an oath.” Ito ang hirit ni former President Rodrigo Duterte, kasabay ng giit sa panibagong mandato matapos manalo bilang alkalde ng Davao City.
Pag-amin ni Vice President Sara Duterte, pinag-usapan nila ng amang dating Pangulo ang nalalapit na pagsisimula ng bagong tungkulin. Kabilang umano sa tinalakay ang panunumpa ng matandang Duterte bilang mayor ng Davao City.
“Isa pang update is napag-usapan din namin yung oath niya at pag-uusapan daw nila ng lawyers niya kung paano gawin yung kanyang oath,” saad ng bise presidente matapos bisitahin ang ama noong Mayo 30.
“Initially, ang sinabi niya, ‘Set me free and I will take an oath’,” anang dating pangulo, matapos maglabas ng pahayag si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa posibilidad na makiusap sa ICC ang pamahalaan na payagang manumpa si Duterte.
Kasalukuyang nakakulong ang dating pangulo ng bansa sa Scheveningen Prison facility hindi kalayuan sa International Criminal Court na nasa The Hague, Netherlands.
Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga a panahon ng panunungkulan bilang Pangulo mula 2016 hanggang 2022.