NAKATAKDANG ilabas ng Department of Justice (DOJ) ang resolusyon sa mga reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Senator Joel Villanueva at dating Ako Bicol partylist Congressman Zaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Sa isang press briefing, ibinahagi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez ang tatlong magkakahiwalay na reklamong malversation of public funds na walang piyansa.
Naghain na rin umano ang senador ng kontra-salaysay upang pabulaanan ang mga reklamong una niyang tinawag na katawa-tawa.
Nilinaw naman ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na ang reklamo ay may kinalaman lamang sa DOJ at ang iba sa mga nakabinbin na kaso sa Office of the Ombudsman kung meron man.
Kinumpirma rin ng DOJ na anumang araw simula ngayon maglalabas ng desisyon ang panel of prosecutors — kung isasampa sa husgado o ibabasura ang reklamong plunder laban naman sa dating partylist solon.
Gayunpaman, nna nang sinabi ng DOJ na tuloy ang kaso laban kay Co kahit hindi siya maghain ng kontra-salaysay. (JULIET PACOT)
