PARA kay Tingog partylist Rep. Jude Acidre, ang impeachment na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte ay isang pagsubok sa usapin ng accountability at maging sa political institutions ng bansa.
Hirit ni Acidre na tumayong Deputy Majority Leader sa ilalim ng 19th Congress, higit na angkop na ituloy ang pagdinig ng Senate impeachment court.
“The case on the impeachment is a test of accountability, is a test on our political institutions. And the best way to move forward in my mind is ituloy natin ang proseso at hayaan natin ang Senado at gampanan ng ating mga kaibigan sa Senado ang kanilang tungkulin na dinggin at maghusga sa impeachment case na sinubmit ng House of Representatives,” awika ni Acidre sa isang pulong-balitaan sa Batasan.
Pag-amin ni Acidre, siya man ay nababahala sa tila nagiging katayuan ng pagsasakdal sa bise presidente partikular sa posisyon ng ilang Senator judges.
“Ang worry ko lang sa totoo lang with the proceeding as it is, sana hindi malunod sa technicality ang ating kagustuhang mabigyan linaw ang pananagutan sa pangalawang pinakamataas na lingkod bayan ng ating bansa,” ani Acidre.
.“The Senate operates according to the rules, according to the impeachment rules that they presented. We just hope that everything will be done in the spirit of fairness and integrity, the integrity of the process. And also katatapos lang ho namin manumpa lahat to uphold, to support the constitution of the Philippines,” dugtong ng partylist congressman.
Naninindigan si Acidre na nagampanan na ng Kamara partikular ang tungkulin nito na aksyunan ang mga akusasyon laban kay Duterte sa nakaraang 19th Congress at ito ay maaaring magpatuloy sa bagong 20th Congress.
“Anything we’ve done in the 19th cannot also be negated by the 20th. Kasi the fact of the matter remains that the VP has been impeached.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
