
EPEKTIBONG pagtugon sa mandato at dekalibreng liderato ang nakikitang dahilan ng mga kongresista sa mataas na “public satisfaction rating” na nasungkit ng mababang kapulungan sa pinakahuling resulta ng survey Social Weather Station (SWS).
“We are happy with this result, which we attribute to the effective, strong and compassionate leadership of our Speaker Ferdinand Martin Romualdez and his being a dependable ally of President Ferdinand Marcos Jr.,” saad sa pinag-isang pahayag ng mga ranking House officials.
“Because of the transformational style of leadership of our Speaker, the House has accomplished much in terms of legislative and oversight achievements that aim to benefit all of our countrymen,” wika ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales.
Tinukoy ng Pampanga lawmaker ang mga inisyatiba ni Romualdez para mapababa ang presyo ng bigas, kuryente, serbisyong pangkalusugan at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.
Sa panig ni Deputy Speaker David Suarez, binigyan-diin ang pagbaba ng presyo ng bigas bunsod ng maigting na oversight o pagbabantay na pinairal ng Kamara.
“We intend to bring down the cost of electricity as well. We have already initiated the process to accomplish this goal,” dagdag niya.
Ayon naman kay Majority Manuel Jose Dalipe, pinagtibay na ng Kamara ang halos lahat ng priority legislation ng Pangulo para magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng bansa at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
“We have a 100-percent approval record. The President can depend on the House under the leadership of Speaker Romualdez to help him in his aspiration of making life better for all of us,” giit ng Zamboanga City solon.
Partikular na nilalaman ng pinakahuling SWS survey noong nakaraang buwan ang pagkuha ng Kamara ng satisfaction rating na 54 porsyento.
Naitala ang pinakamataas na rating ng Kamara sa balanse ng Luzon sa 57 porsyento, na sinundan ng Visayas sa 55 porsyento, Metro Manila naman 51 percent, at sa Mindanao ay 49 porsyento.
Pinakamataas ang nakuhang satisfaction rating ng Kamara sa mga edad 18-24 at 45-54, na naitala sa 58 porsyento. Nasa 56 porsyento naman ang sa 35-44 age bracket, 53 porsyento sa mga edad 55 pataas at 50 porsyento sa mga edad 25-34. (ROMEO ALLAN BUTUYAN)