MARIING pinabulaanan ni Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co ang mga ang alegasyong ipinukol sa sa nakaraang pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, tahasang ding sinabi ng dating chairman ng House Committee on Appropriations na pawang kasinungalingan at walang basehan ang pagdawit sa kanya sa naturang kontrobersya.
“The allegations made against me during today’s Senate hearing are false and baseless. I reserve my right to respond to these allegations at the proper time before the proper forum,” wika ni Co.
Sa pagsalang sa senate blue ribbon committee ni dating Bulacan First District Engineering Office (DEO) chief Engr. Henry Alcantara, binasa at pinirmahan ang isang affidavit kung saan kasama sa ibinunyag ang pagbibigay niya umano ng aabot sa bilyong halagang kickbacks kay Co mula sa flood control projects na sinasabing hinatid pa mismo sa tanggapan ng kongresista.
Ani Alcantara, sa kanyang pagtaya, nasa P8.75 billion halaga ng “commitments” ang personal niyang nai-deliver kay Co mula taong 2022 hanggang 2025.
Kasunod ng pagsisiwalat ni Alcantara, pina-proseso ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pagsasailalim sa Witness Protection Program (WPP) sa dating public works official at dahil sa bigat ng akusasyon, habang inirekomenda naman ang pagsasampa ng kaukulang kaso at freeze order sa bank accounts ng partylist solon. (ROMER R. BUTUYAN)
