LUBHANG apektado ng kontrobersyal na flood control scandal ang usad-pagong na paglago ng ekonomiya sa sa huling bahagi ng nakalipas na taon.
Pag-amin ni Undersecretary Dennis Mapa ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 3 percent ang growth domestic product (GDP) noong fourth quarter — malayo sa 3.8 percent na naitala sa ikatlong sangkapat ng taong 2025.
Sa kabuuan, pumalo lang sa 4.4 percent ang GDP growth ng bansa para sa 2025. Target na GDP growth ng pamahalaan para sa 2025 — 5 percent.
Samantala, hindi inaasahan ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan ang resulta.
Aniya, inaasahan naman ng economic team na babagal ang paglago dahil sa mga ipinatupad na hakbang kontra korapsyon — “To be honest, of course, I did not expect it to be this sharp.”
Sinisi ng kalihim ang flood control scandal sa pagbagal ng pagsipa ng ekonomiya noong huling quarter.
“Admittedly, the flood corruption probe scandal weighed on business and consumer confidence.”
