TULOY ang pagkatawan ng Office of the Solicitor General (OSG) paradepensahan ang petisyong inihain ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court.
Ito ay matapos magpalabas ng desisyon ang Supreme Court En Banc na nagbigay pahintulot sa OSG na tumayong abogado sa panig ng mga government officials na nasa likod ng pwersahang pagdakip kay Duterte noong Marso.
Magugunitang naghain ng petisyon sina Duterte at Senator Bato dela Rosa na kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC at pag-aresto sa dating pangulo para dalhin sa The Hague.
Ayon sa SC, pinagbigyan ng En Banc ang Manifestation with Entry of Appearance ng OSG para muling kumatawan sa respondents kabilang si Marcos Jr. at mga kolalang kaalyado ng Pangulo.
Noong Abril, tinabla ng OSG sa ilalim ni dating Solicitor General Menardo Guevarra bunsod ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.
Sa ngayon, humiling na ang OSG ng lahat ng kopya ng Court issuances na may kaugnayan sa kaso. (JULIET PACOT)
