APRUBADO na sa Estados Unidos ang pagbebenta sa Pilipinas ng hindi bababa sa 20 F-16 Fighter Jets na gagamitin ng bansa para protektahan ang karapatan sa West Philippine Sea.
Sa kalatas ng US State Department, muling tiniyak ng Estados Unidos ang suporta sa mga kaalyado tulad ng PIlipinas. Anila, ang pagbebenta ng 20 fighter jets ay magpapalakas sa depensa ng Pilipinas laban sa agresyon ng China sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
Sa ilalim ng procurement deal, ililipat sa kustodiya ng Pilipinas ang 20 fighter jets kapalit ng $5.58 bilyon (katumbas ng P319 bilyon.).
Samantala, nilinaw ng Palasyo na hindi gagamitin sa digmaan ang 20 fighter jets na bibilhin ng gobyerno sa Amerika.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, depensa lang ang pakay ng pamahalaan sa mga bibilhing fighter jets.
“But that is not for any specific target or state. That is for our defensive posture,” ani Bersamin.
