
SA halip na kwarta, malamig na rehas ang hinihimas ng mga tiwaling kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ireklamo ng mga kapwa empleyadong kinakaltasan ng sweldo.
Hindi man pinangalanan, partikular na tinukoy ng MMDA ang mga kapural sa likod ng kaltas-sahod modus na umano’y mga empleyadong nakatalaga sa Payroll Division.
“These unscrupulous personnel found a way to manipulate the computerized payroll system, unlawfully took small amounts from the salaries of targeted employees, and diverted those amounts to their own accounts,” saad sa isang bahagi ng pahayag na inilabas ng ahensya.
“Immediately upon its discovery, a complaint was filed with no less than MMDA Chairman Atty. Don Artes as complainant.”
Kinumpirma na rin ng MMDA na inaresto na ang mga empleyadong pinaniniwalaang sangkot sa nabuking na modus.
“Formal complaints against these employees are being prepared and a strong case build-up is being done for the filing of non-bailable charges against the perpetrators. They were also placed under preventive suspension and their work computers were also secured,” ayon sa MMDA.