NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HANDA ang liderato ng Kamara na ipaglaban ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) partikular ang paglalaan ng kaukulang pondo para sa programang naglalayong maghatid ng kalinga direkta sa mga maralitang Pilipino.
Garantiya ni House Speaker Martin Romualdez, pagtitibayin ng Kamara ang 2025 national budget lalo pa’t kalakip ang mga kapakinabangan para sa mahigit 4 milyong “near poor” na mga Pilipino sa buong bansa.
“AKAP is not just a safety net, it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty. This initiative has proven its value by providing immediate relief to struggling households, empowering them to weather economic challenges, and ensuring their resilience against inflation and other shocks,” pahayag ni Romualdez.
Sinimulan sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez, tampok ang AKAP – one time cash assistance mula P3,000 hanggang P5,000 sa kwalipikadong benepisyaryo – sa pag-arangkada ng serbisyo caravan para tuntunin at tulungan ang mga pamilyang kapos ang kinikita.
Para sa lider ng Kamara, dama ng mga maralita ang kalinga sa malawakang programa ng gobyerno. Katunayan aniya, ₱20.7 billion sa kabuuang ₱26.7 bilyong alokasyon ang direktang naihatid sa milyon-milyong Pilipino, kabilang ang higit 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR). Gayundin sa mga rehiyon tulad ng Central Luzon, Bicol, at Western Visayas ay nakapagtala rin ng mataas utilization rates ng pondo na higit sa 70 porsyento.
“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” ani Romualdez.
Samantala, hinikayat ng lider ng Kamara ang mga miyembro ng senado para pag-isipan muli ang mga panukalang tanggalan ng pondo ang AKAP, na siya ring apela ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na protektahan ang programa sa 2025 na badyet.
“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. This is about ensuring that no Filipino family falls back into poverty because of insufficient support. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” sambit ni Romualdez.
Binanggit din ng Speaker ang mas malawak na benepisyo ng programa sa ekonomiya, na sinabing ang pagtulong sa mga pamilyang nagtatrabaho ay nakakatulong upang mapanatili ang consumer spending at economic growth.
“The AKAP initiative reflects our collective vision of a more inclusive and compassionate governance model. It is the kind of program that builds trust in government by directly addressing the needs of ordinary Filipinos,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Pinagtibay din ng liderato ng Kamara ang pagbibigay-prayoridad sa mga programa tulad ng AKAP na nag-aangat sa buhay ng mga maralitang Pilipino habang tumutulong sa pambansang pag-unlad.
Habang nagpapatuloy ang mga deliberasyon sa badyet, tiniyak ni Romualdez sa publiko na hindi titigil ang Kamara upang masigurong ipagpapatuloy ang programa para sa mga maralita.
“We will fight for AKAP because it fights for the Filipino people. This program is a testament to what good governance can achieve, and we will not allow its gains to be rolled back,” ani Romualdez.
