SA gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa, kumasa sa hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang trade diplomat.
Sa kalatas ng Palasyo, pormal nang hinirang bilang Kalihim ng Department of Tourism si Dita Angara-Mathay — kapalit ng kontrobersyal na so former Tourism Secretary Christina Frasco.
Bagong pa man tinanggap ang alok ng Pangulo, minsan nang nanilbihan si Angara-Mathay bilang Commercial Counselor at Special Trade Representative ng Pilipinas ay Angara-Mathay.
Kinatawan niya ang bansa sa mga industrial dialogue at international summit, na nakatuon sa mga sektor na tulad ng electronics at sustainable textiles.
Kabilang sa mga pagtitipon na dinaluhan ni Angara-Mathay bilang kinatawan ng Pilipinas ay ang SEMI Southeast Asia Investment Forum noong Enero 2025 at ang Rakuten Fashion Week Tokyo noong Setyembre 2025.
Pinangunahan din ni Angara-Mathay ang mga programang nag-uugnay sa mga pandaigdigang samahan para sa kongkretong resulta sa lokal na antas, pagsuporta sa ikauunlad ng mga negosyo, pagpapalakas ng mga industriya, at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga negosyong Pilipino, lalo na ang mga MSME.
Ayon sa Presidential Communications Office, layon ng Pangulo ihanay ang turismo sa paglago ng ekonomiya sa bisa ng pag-akit ng mas maraming mamumuhunan, pagsuporta sa mga lokal na industriya, at pagtiyak na ang benepisyo ng turismo na maramdaman sa iba’t ibang rehiyon.
