SA pagnanais na makatipid sa konsumo ng kuryente, muntik pang matupok ng apoy ang tinutuluyang bahay matapos magliyab ang isang portable rechargeable electric fan sa Caloocan City. Sa CCTV footage na ibinahagi ng isang Jinky Bolante Almoete, kitang-kita ang aktwal na pagliliyab ng isang rechargeable electric fan na naiwan nakacharge habang natutulog. Nangyari umano ang insidente dakong alas 5:00 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog kasama ang hindi pinangalanang live-in partner. Bigla na lamang umano nagliyab ang mini fan sa likuran ni Almoete. Aniya, nagising siya dahil sa init sa loob ng silid na tinutulugan. Agad naman umano niyang hinugot sa saksakan ang charger at ibinato sa sahig bago pa man kumalat ang apoy sa kalapit na kutson. Nagtamo ng sugat sa kamay at paa si Almoete matapos umanong matuluan ng natunaw na plastic mula sa nasunog na mini fan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Bagong modus ng akyat-bahay sa Kyusi, bistado Isko magbibigay ng P25K sa mga panaderong Manileño