
“WHEN the source itself has lost credibility, why should anyone believe these baseless claims?”
Ito ang tugon ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa panibagong “pasabog” ni Vice President Sara Duterte.
“Naririnig ko ang mga akusasyon. Diretsahan kong sasabihin: hindi totoo na ako’y tumatanggap mula sa ilegal na sugal,” pahayag ng Leyte lawmaker.
“These stories about ‘suitcases of cash’ are pure fiction. Lahat guni-guni. Madaling magturo, madaling mag-imbento — pero ang katotohanan, hindi kayang patunayan. Until today, wala pa ring ipinakitang ebidensya — puro sabi-sabi lang na inuulit-ulit,” diin ng dating lider ng Kamara.
Ayon kay Romualdez, ang isyung Okada/Delaware ay malinaw na hindi siya sangkot at hindi rin siya inimbestighan hinggil sa naturang usapin.
“Hindi ako akusado… wala akong kinalaman sa kasong iyon, na away ng dalawang negosyo. Binabalik lang ngayon para siraan ako,” aniya pa.
“Nakakalungkot na ang mismong Bise Presidente, na inakusahan at na-impeach ng House dahil sa maling paggamit ng pondo, ay siya pang nagkakalat ng ganitong kasinungalingan,” pagtatapos ni Romualdez. (ROMER R. BUTUYAN)