PIHADONG mahihirapan ang Department of Justice (DOJ) mabitbit pabalik ng Pilipinas si former presidential spokesperson Harry Roque matapos makakuha ng temporary resident status sa The Netherlands.
Sa kanyang Facebook post, pinagyabang ni Roque ang residence ID na aniya’y iginawad noong Hunyo 11 ng pamahalaan ng Netherlands habang naghihintay matapos ng Dutch Immigration and Naturalization Service ang proseso sa inaaplayang asylum sa naturang bansa.
Gayunpaman, anim na buwan lang ang bisa ng temporary resident status ng dating tagapagsalita ng Palasyo sa nasabing bansa.
Pag-amin ni Roque, malaking bentahe sa kanyang pananatili sa The Netherlands ang temporary resident ID na pwede niya umanong gamitin para sa pagbubukas ng bank account.
Itinanggi rin ng abogadong kaalyado ni Vice President Duterte ang kumakalat na balita na “denied” ang kanyang asylum application.
