BINASAG ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang katahimikan para buweltahan ang aniya’y “baseless, irresponsible” claims ng kanyang tiyahin na si Senator Imee Marcos sa amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para sa batang Marcos, ang mga pananalitang binitiwan ng senadora ay pawang mga kasinungalingan, na ang layunin ay pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon at isulong ang pansariling ambisyon sa pulitika.
“HINDI ITO ASAL NG ISANG TUNAY NA KAPATID,” mariing pahayag ng batang kongresista.
“Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan,” dugtong ni Sandro.
“It pains me to see how low she has gone to the point that she resorts to a web of lies aimed at destabilizing this government to advance her own political ambitions,” dagdag ng Ilocos Norte solon.
Kinondena rin ni Rep. Marcos ang mga patuloy na banat kay Pangulong Marcos, sa Unang Ginang at ngayon ay pati siya ay idinadamay, na sinabi niyang “not only false, but dangerously irresponsible.”
Giit ng ranking House official, matagal niyang pinananatili ang kanyang respeto sa kanyang tiyahin at kinikilala ang naging papel nito sa mga unang bahagi ng kanyang pagiging public official kung kaya ang tugon niya ito ay maaaring una at huli na.
“I have always acknowledged and respected the role my Tita, Senator Imee Marcos, played in the early part of my public life. That respect remains which is why this will be the first and last time I will be speaking on this,” aniya pa.
“But that respect has been met with accusations that cross a line.”
Ayon kay Rep. Marcos, mismong ang mga pinsan niyang si Borgy, Ilocos Norte Vice Gov. Matthew Marcos Manotoc, at Atty. Michael Marcos Keon ay maka pagpapatunay na ang mga alegasyon laban sa kanya ay hindi totoo.
Ikinalulungkot din niya ang masakit na pangyayari sa kanilang pamilya, at nanindigan sa naging kasunduan nilang magpipinsan na ang mga nakaraang isyu sa kanilang mga magulang ay hindi aabot sa kanilang henerasyon ngayon.
“We always agreed that whatever happened between our parents, we wouldn’t let ourselves be dragged in. That is why nakakalungkot makita na ginagawa niya ito. For her to betray her own family brings a lot of pain to me as a consequence of my respect for her for giving me my start in public life,” ani Rep. Marcos.
Nanawagan naman ang batang Marcos sa publiko na mas bigyang pansin ang katotohanan at huwag magpadala sa mga pahayag na ang gusto lamang ay sirain ang gobyerno.
“Now is the time to unite behind truth, not to amplify narratives meant to topple the government. Panahon ngayon para magtulungan, hindi para magpalaganap ng gulo at destabilisasyon.” (ROMER R. BUTUYAN)
