Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINDI pinalampas nina House Deputy Majority Leader Jude Acidre (TINGOG partylist) at House Assistant Majority Leader Jil Bongalon (Ako Bicol partylist) ang patutsada ni Senador Joel Villanueva sa Kamara.
Panawagan nina Acidre at Bongalon kay Villanueva, hindi dapat pinakikialaman ng senador ang gawain ng mga kongresista.
Paala pa ng dalawang ranking House officials, angkop din igalang ng senador ang tinatawag na “inter-parliamentary boundaries” kabilang ang usapin sa ginawang pagtapyas ng P1.3 bilyon ng Kamara sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.
Para kay Acidre, mas mabuting tutukan na lamang ng senador ang pagganap sa mga tungkulin at iba pang gawain sa sarili nilang kapulungan sa halip na makisasaw sa anumang isyu na ang Kamara ang siyang aktibong tumatalakay.
“Rather than casting aspersions on the House for fulfilling its sworn duty, Sen. Villanueva should just allow us to craft the budget on our own terms and in the way we see fit. Darating din naman ito sa Senado so pwedeng doon niya ipahayag ang kanyang mga saloobin,” pahayag ng TINGOG partylist solon.
“Kasi pag ngayon siya magsasalita laban sa desisyon ng House, baka maparatangan pa siya na di niya kayang depensahan ang kanyang posisyon sa mga kapwa niya senador. Pangit po tingnan and we ask our dear senator to refrain from making statements to the media,” dugtong ni Acidre.
“It’s ironic that Sen. Villanueva criticizes the House for its handling of the OVP budget while failing to acknowledge that the Senate is also reviewing the same budget, including sensitive items,” aniya pa.
Para kay Bongalon, ang mga pampublikong pahayag ni Villanueva ay isang paglabag sa tinatawag na “inter-parliamentary courtesy” o panghihimasok sa saklaw na gawain ng Kamara.
“Senator Villanueva’s remarks about the House’s treatment of the OVP budget blatantly disregard the long-standing tradition of inter-parliamentary courtesy. Each chamber has its autonomy, and we expect the Senator to respect the House’s jurisdiction in the same way that we respect the Senate’s role,” giit ni Bongalon.
Ipinunto rin ni Bongalon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng decorum sa pagitan ng Senado at Kamara, at kung mayroong puno ang isang senador, dapat ay tinalakay ito sa loob ng Senado.
“Instead of questioning the competence of the House, perhaps Sen. Villanueva should direct his concerns toward his fellow senators in their upcoming deliberations. Could it be that he anticipates difficulty defending his stance against more experienced and well-versed senators?”
Samantala, kapwa nanindigan ang dalawang kongresista sa pagpapanatili ng integridad sa proseso ng badyet, pagtiyak ng transparency o pagiging bukas sa lahat ng detalye ng badyet upang makita ng publiko kung paano ginagamit at gagamitin ang pondo ng bayan, at ang pananagutan ng mga opisyal at ahensya na gumagastos sa pondo ng pamahalaan, kabilang na ang OVP.
