Ni ESTONG REYES
SA liit ng buwanang social pension na di man lang sapat pambili ng gamot para sa mga may sakit na lolo at lola, target ng isang senador na isama ang mga senior citizens sa talaan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.
Panawagan ni Senador Imee Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), palawakin ang programang unconditional cash transfer sa mga bedridden senior citizens.
Bukod sa mga senior citizens, mungkahi rin ni Marcos na ikonsidera ang sektor ng persons with disabilities (PWDs).
“Mayaman na nga ang Pilipinas at umaasenso sa ekonomiya pero marami pa ring Pilipinong naiiwan. Kaya ito na tinitignan natin ang 4Ps kung paano palaganapin kasi mayroong nakakalimutan o napag-iiwanan katulad ng bedridden seniors at mga severely challenged na PWD,” wika ng senador.
Una nang inihain ni Marcos ang isang panukalang naglalayong amyendahan ang Republic Act 11310 (4Ps Act), gayundin ang mungkahing gawing permanente ang Assistance to Individuals in Crisis Mga Sitwasyon (AICS).
