KUNG isa kang makabayan at nagmamahal sa bansang Pilipinas, hindi na dapat bigyan ng pagkakataon ang mga taksil sa bayan, ayon sa isang partylist congressman kasabay ng panawagan ibasura ang kandidatura ng tinawag niyang “Team China.”
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party list Rep. Jil Bongalon, hindi dapat suportahan ang mga kandidatong kakampi ng China sa usapin ng hidwaan sa West Philippine Sea.
“This is no ordinary election. It is a fight for the future of our country. We can either elect leaders who will defend our sovereignty and push for real reforms, or we let pro-China politicians regain power and sell our nation’s interests once again,” wika ni Bongalan.
“These pro-China politicians let Beijing trample on our rights in the West Philippine Sea. They made excuses for Chinese aggression and questioned our own legal victory in The Hague. Why should we allow them back into power?” dugtong ng Bicolano solon.
Ang dapat aniyang iboto at mailuklok sa pwesto ay ang mga kandidatong naninindigan para sa kabutihan ng bansa at kapakanan ng sambayanang Pilipino sa gitna ng patuloy na panggigipit at marahas na aksyon ng China.
Kaya sa halip na pro-Chinese candidates ang iboto, sinabi ng kongresista na ang nasa ilalim ng tinawag niyang Team Pilipinas, na binubuo ng mga kandidato mula sa mga partido ng administrasyon na Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), at Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang dapat suportahan para manalo.
Hinimok din ni Bongalon ang mga botante na maging mapagmatyag at mapanuri laban sa mga propaganda, disinformation at misinformation na maaring gamitin ng oposisyon upang baluktutin ang katotohanan.
“This is an urgent battle, and we cannot afford to be complacent. If we want a Senate that will fight for Filipinos, we must reject pro-China politicians once and for all. Time is running out,” dagdag ng kongresista.
“Alyansa Para sa Bagong Pilipinas has a strong and reform-driven senatorial ticket that is committed to national security, economic growth and a government that prioritizes Filipinos above foreign interests.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
