MATAPOS hiyain ng mga mambabatas sa kalagitnaan ng kanyang talumpati, nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya pahihintulutan ang kultura ng karahasan sa pagsugpo laban sa kalakalan ng droga.
Sa isang panayam ni Sara Ferguson nng ABC, binigyang-diin ni Marcos na hindi polisiya ng administrasyon ang kumitil ng mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Sa halip na karahasan, mas angkop aniyang ipasok sa drug rehabilitation facilities ng pamahalaan ang mga tinawag niyang pipitsugin target.
“I am not interested in a small-time addict, for example. You take them to the hospital. You take them to rehab. We don’t [shoot them],” wika ni Marcos.
Kumbinsido rin umano siyang nasa tamang direksyon ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
“We have made a great deal of progress in that regard. Many policemen have already been removed from service because they’ve been found to be liable, cases have been filed. Many are already in jail,” pagtatapos ng Pangulo.
