SA gitna ng kontrobersiya hinggil sa pagbebenta ng buffer stock ng bigas na nasa kustodiya ng National Food Authority (NFA) hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang mga opisyales ng naturang ahensya magsumite ng voluntary leave upang bigyang daan ang isang malayang imbestigasyon.
“Whoever is involved here must give the investigating party a chance to do their work properly, without any hindrance. So the best thing is, and I strongly advise them, to take a leave of absence…at least the heads —the accused and the accuser,” wika ni Laurel sa isang pahayag.
Una nang lumikha ang Agriculture chief ng isang investigating panel para magsiyasat sa di umano’y sabwatan kaugnay ng pagbebenta ng bigas sa mga rice traders sa presyong lubhang dehado ang gobyerno.
Paglilinaw ni Laurel, hindi pinahintulutan ng DA ang naturang transaksyon sa kabila pa ng giit ng pamunuan ng NFA na legal ang naturang hakbang.
“The rice we are selling are all sold at the mandated selling price of P25/kg, although aging stocks need to be re-milled before they could be released to the consumers,” ani NFA administrator Roderico Bioco.
