Ni LILY REYES
SA kabila ng paulit-ulit na babala, pinili ng isang car dealer sa Quezon City na dedmahin ang direktiba ng Land Transportation Office (LTO). Ang resulta – napipintong multa at kastigo.
Sa isang surprise, inspection bistado kay LTO chief Vigor Mendoza ang nasa 600 license plates ng mga sasakyan na nasa pag-iingat pa rin ng hindi tinukoy na car dealer.
Nang tanungin umano ni Mendoza kung bakit hawak pa ng naturang establisyemento ang mga plaka ng sasakyan, sinabi ng nangangasiwa na marami di umano sa mga bumili ng sasakyan ang nagpahiwatig ng kawalan ng interes lalo pa’t nakakabiyahe naman di umano sila kahit walang license plate.
Bunsod ng nasabing palusot, tiniyak ni mendoza na mas magiging mahigpit ang LTO sa implementasyon ng “No Plate, No Travel Policy” ngayong taon.
“On the part of the LTO, I can assure you that there is no longer a backlog on the license plates for four-wheel vehicles. The problem, however, is that these license plates are not properly distributed and remain in the possession of the motor vehicle dealers,” wika ni Mendoza.
Ibinahagi rin ng LTO chief na Inatasan na niya ang lahat ng LTO District Offices at lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa mga car dealers sa nasasakupang distrito para sa distribusyon ng plaka.
“We need to work together in complying with our respective obligations to our clients. Kung kayang gawin agad, huwag ng ipagpabukas pa.”
