HINDI na dapat abutin pa ng Semana Santa ang ang isinasagawang rehabilitasyon ng Maharlika Highway na nagdurugtong sa Quezon, Bicolandia at Samar.
Ito ang giit ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, kasabay ng direktibang naglalayon paspasan ang pagsasaayos ng naturang imprastraktura.
Ayon kay Dizon, dapat wala ng abala sa pagbiyahe ng mga motorista bago pa sumapit ang Semana Santa para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko at perwisyong dulot ng baku-bakong daan.
Samantala, nilinaw ni Dizon na pagkatapos ng Semana Santa saka sisimulan ang proseso ng pangmatagalang rehabilitasyon ng Maharlika Highway.
Kasama na rito ang pagkuha ng malalaking mga construction company na may makinarya para sa mahusay na paggawa ng kritikal na lansangan.
Bukod sa dedkalibreng kontratista, pinag-aaralan ng departamento kumuha ng mga dayuhang consultant at makabagong teknolohiya para sa mahusay na paggawa ng Maharlika Highway. (JULIET PACOT)
