KUMPIYANSA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na “fully-operational” na ang Paco Pumping Station bago pa man sumapit ang panahon ng tag-ulan sa susunod na taon
Garantiya ni DPWH Sec Vince Dizon, nasa tatlong buwan lang ang kailangan para maayos at mapatatag ang nasirang floodgate ng pumping station na nasa sentro ng lungsod ng Maynila.
Habang kinukumpuni ang floodgate, pansamantala muna naglagay ng pangharang ang DPWH para maiwasan ang pagbaha sa bahagi ng Paco tuwing high tide.
Dagdag pa ng Kalihim, walang gastos ang gobyerno sa pagkukumpuni ng nasirang pasilidad.
Ayon sa impormasyong ibinahagi ng kagawaran, bumigay ang pumping station sa Paco sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Uwan. (JULIET PACOT)
