HINDI halos mahulugang-karayom ang ang pista ng Santo Niño de Tondo na dinayo pa sa Maynila ng libo-libong deboto.
Sa ulat ng Manila Police District, naging maayos at mapayapa ang taunang tradisyon ng pagkilala sa poong Sto. Niño na sinimulan sa prusisyon nilahukan ng iba’t ibang karosang sakay ang imahe ng batang Hesus dakong alas 3:00 ng madaling araw kanina (Enero 21).
Kasunod ng prusisyon, nagdaros rin ng walang humpay na misa sa simbahan ng Tondo.
Karaniwang dahilan ng mga deboto sa paglahok sa taunang prusisyon ang pasasalamat sa katuparan ng kahilingan sa mga suliranin tulad ng pananalapi, kalusugan at iba pa.
May misa kada oras para sa Santo Niño de Tondo mula 12 kaninang hatinggabi hanggang 11 ng gabi nitong Linggo.
