NI JIMMYLYN VELASCO
PARA sa dalawang dating Kalihim, higit na angkop bigyan ng pagkakataon ang isang bagitong politiko para pamunuan ang bayan ng Orion sa lalawigan ng Bataan.
Sa isang caucus sa Jose Abad Santos sa lungsod ng Maynila kamakailan, partikular na tinukoy ni former Executive Secretary Vic Rodriguez at dating Cabinet Secretary Jun Evasco si Elcid Gervacio na tatakbong mayor ng naturang bayan sa lalawigan ng Bataan.
Bilang patotoo ng suporta sa bagitong politiko, itinaas nina Rodriguez at Evasco ang kamay ni Gervacio na anila’y kanilang pambato nila sa bayan ng Orion.
Nagpasalamat naman kina Rodriguez at Evasco si Gervacio kasabay ng pahayag – “Gusto ko lang magkaroon ng pagbabago ang aming bayan sa Orion kung kaya pumalaot ako sa larangan ng politika.”
Si Elcid Gervacio Diancin – na mas kilala sa pangalang Cid Gervacio – ay isang maralitang tubong Orion. Sa kanyang kabataan, kinamulatan ni Gervacio ang pagsasaka hanggang sa nagpasyang simulan ang maliit na negosyong umunlad pagkatapos buhusan ng pagsisikap sa mahabang panahon.
Sa ngayon, isa na siyang corporate executive sa Maynila.
Aniya, wala siyang planong kwestyunin ang pagtakbo bilang mayor sa ikalimang dikit-dikit na termino. Hindi man pinangalanan, lumalabas sa datos ng local election board na si reelectionist Mayor Tonypep Raymundo ang tinutukoy ni Gervacio.
Naghain ng Certificate of Candidacy para sa ikalimang termino si Raymundo, kauna-unahan mula nang isabatas ang Local Government Code kung saan nakasaad na limitado lang sa tatlong sunod-sunod na termino ang mga elected local officials.
Bukod sa Local Government Code, naglabas na rin ng kapasyahan ang Korte Suprema sa kasong Simon Aldovino, Danilo Javier and Ferdinand Talabong versus Comelec and Wilfredo Asilo.
Sa katurang desisyon, nanindigan ang Korte Suprema na hindi na pwedeng humabol pa sa pang-apat na termino si Asilo dahil umano pasok sa kategoryang “interruption” sa itinakdang panahon ng panunungkulan ang ipinataw na suspensyon ng Sandiganbayan.
“Thus, Comelec refused to apply the legal command of Section 8, Article X of the Constitution when it granted due course to Asilo’s certificate of candidacy for a prohibited fourth term. By so refusing, Comelec effectively committed grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction; its action was a refusal to perform a positive duty required by no less than the Constitution and was one undertaken outside the contemplation of law.”
