SA layon sawatain ang paglaganap ng droga sa bansa, todo-bantay ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga karagatang posibleng gamitin sa drug smuggling.
Sa ulat ng PCG, Pebrero 23 nang naispatan ng mga operatibang nagpapatrolya ang isang hindi pinangalanang barko na hinihinalang kargado ng droga ang itinaboy habang naglalayag sa direksyon ng Mindoro.
Paglilinaw ng bantay-dagat, nasa labas pa ng 200-nautical Philippine exclusive economic zone ang naturang barko nang namataan sa kabila ng mga dambuhalang alon bunsod ng masamang panahon.
Sa paniwalang kargado ng droga, hindi na hinintay ng pinagsanib na pwersa makapasok pa sa bansa ang nasabing sasakyang-dagat na agad na itinaboy palayo.
“In line with President Ferdinand Marcos Jr.’s anti-illegal drugs campaign, the Philippine Coast Guard and Philippine Drug Enforcement Agency have collaborated in averting the entry of a vessel suspected to be loaded with a large volume of illegal drugs outside the Philippines’ exclusive economic zone closest to the coast of Mindoro yesterday, 23 February 2025,” saad sa pahayag ng PCG.
“Amid heavy weather and rough seas, the joint PCG-PDEA operatives ensured the denial of entry of the subject vessel within the Philippine territory.” (EDWIN MORENO)
