APAT na katao — kabilang ang tatlong menor de edad — ang binawian ng buhay matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng Cotabato.
Batay sa ulat ng Matalam Police Station, kinilala ang mga pumanaw na biktimang sina Rashid Sahay Mampo, 20-anyos, Rica Jane Maidlos, 16-anyos, Daryl Mampo Diansay, 12-anyos, at Russel Kim Mampo Diansay, 11-anyos.
Samantala, nasa kritikal na kalagayan naman ang isang Ebrahim Mampo Lamalan, 14-anyos na kasalukuyang ginagamot sa Amas Provincial Hospital.
Kwento ng mga saksi, pauwi na sana ang mga biktima galing sa isa nilang kaanak para makigamit ng WIFI nang paulanan ng bala sa Sitio Esrael, Barangay New Abra ng nasabing bayan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at manhunt operation ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga salarin. (LILY REYES)
