ASAHAN ang matinding bakbakan sa korte sa sandaling sumipa ang pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity na kinakaharap ni former President Rodrigo Duterte.
Sa impormasyong ibinahagi ni Vice President Sara Duterte, isang nagngangalang Nicholas Kaufman ang tatayong lead counsel ng dating pangulo.
Si Kaufman, isang British national na ipinanganak sa bansang Israel, ay dating prosecutor ng ICC.
Samantala, nakatakda naman makipag pulong si VP Duterte sa defense team ng amang dating pangulo ng Pilipinas. Bukod kay Kaufman, kasama rin sa defense team sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at ex-presidential spokesperson Harry Roque.
Higit na kilala si Kaufman, bilang international lawyer at ICC defense counsel. Dalubhasa rin ang Briton lawyer sa international criminal law, supra-national regulatory law at commercial arbitration.
