Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
SA gitna ng banta ng China, nanindigan ang Kamara laban sa napipintong pag-aresto ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong maglalayag sa mangingisda sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
“The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own Exclusive Economic Zone (EEZ). We will fiercely defend our sovereignty and ensure the safety and rights of our people, wika ni House Speaker Martin Romualdez sa isang pahayag.
“China’s aggressive pronouncements are a blatant escalation of tensions in the West Philippine Sea. These unilateral actions flagrantly violate international law and the established norms that guide the Philippines and other law-abiding nations with claims in the South China Sea,” dugtong niya.
“China must respect international rulings and act as a responsible member of the global community, rather than imposing its own laws unilaterally and bullying other nations,” giit pa ni Romualdez bilang reaksyon sa binigay na kapangyarihan sa Chinese Coast Guard na dakpin at ikulong hanggang 60 araw ang mga di umano’y “foreign trespassers” na papasok sa kanilang teritoryo.
Ayon pa sa lider ng Kamara, pasok sa 200-nautical mile radius ng Philippine EZZ ang Scarborough (Panatag) Shoal na hindi kalayuan sa baybayin ng Zambales at Pangasinan.
Gayundin aniya ang Ayungin Shoal pinakamalapit sa Palawan kung saan naroon ang Philippine Navy (PN) vessel na BRP Sierra Madre.
Taong 2012 nang simulan dumugin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at maritime militia ang Panatag Shoal kung saan makailang ulit nang itinaboy ang mga sasakyang dagat ng Pilipinas – kabilang ang resupply mission na ang tanging hangad ay magdala ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangangailangan ang mga sundalong Pilipinong lulan ng BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin.
