UMAABOT sa 92,181 person deprived of liberty (PDL) ang pinalaya mula sa detensyon sa nakalipas na 12 buwan bilang bahagi ng programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng Korte Suprema.
Sinabi ni BJMP Director Ruel Rivera na ang programa ay bahagi ng ‘zero overstaying PDLs’ sa BJMP-supervised jail facilities.
Samantala, sa pamamagitan ng joint operations kasama ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensya ng gobyerno, sinabi ni Rivera na 305 jail facilities ang idineklarang drug free/drug cleared na may random drug testing na isinasagawa sa mga tauhan ng PDL at BJMP.
Sa aspeto naman ng edukasyon, sinabi ni Rivera na 131,312 na PDL na estudyante ang nakinabang sa alternative learning system (ALS) program.
Ayon pa kay Rivera na sa kasalukuyan, 425 na PDL ang naka-enroll sa college education program ng BJMP.
