Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KASUNOD ng anunsyo ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapalawak sa “Bigas 29” Program, hiniling ni AGRI partylist Rep. Wilbert Lee kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama sa priority measures ng administrasyon ang inihain niyang House Bill 3957 o ang “Kadiwa Agri Food-Terminal Act.”
Bukod dito, umapela rin si Lee kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maging standard operating procedure (SOP) ng National Food Administration (na nasa ilalim ng DA) na ilaan sa nasabing programa ang mga bigas na matagal nang nakaimbak sa NFA warehouses.ng huli.
“Natutuwa tayo na mag-eexpand ang coverage ng Bigas 29 ng DA sa mga lugar na labas sa Metro Manila. Pero ang maganda sana, kapag may nakitang aging stocks na sa imbentaryo ng NFA, awtomatiko na itong ilaan sa Bigas 29 para mas maraming Pilipino ang makikinabang sa mas murang bigas,” wika ng Bicolano lawmaker.
“Hinihikayat natin si Secretary Kiko Tiu Laurel na gawin na itong SOP para sa anumang nalulumang stock ng bigas. Dapat ding siguruhin ng gobyerno na magandang klase pa rin ng bigas ang ipamimigay. Hindi yung mura nga, pero mapapamura at madidismaya ka naman sa amoy, kulay at itsura na durog-durog na,” dugtong niya.
Partikular na tinukoy ni Lee ang itinuturing na ‘aging stock’ ng NFA, ay mga bigas na tatlong buwan nang nasa bodega ng nasabing ahensya at maging ang hindi pa nagiling na mga palay na anim na buwan naman nang nakaimbak.
“Dapat maging available sa mas maraming Pilipino ang murang bilihin lalo na ang bigas. Our goal is for DA to be able to offer subsidized rice in every Kadiwa store. If we automatically utilize aging stocks for this program, not only will we prevent spoilage of these aging stocks, we would also be able to feed more Filipino families, Winner Tayo Lahat,” hirit ng AGRI partylist lawmaker.
Ayon kay Lee, dahil napatunayan ang malaking kapakinabangan ng Bigas 29 Program sa mga Kadiwa store, partikular ang magkaroon ng access sa murang bigas ang mga mamimili at matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta sa mas magandang presyo ang kanilag ani, makabubuting maging prayoridad ng Marcos administration ang pagsasabatas ng naturan niyang panukala.
“Considering the gains of the Bigas 29 Program in Kadiwa stores as an effective venue where Filipinos can access cheaper food, this measure aims to support our local food producers and effectively promote the growth of our agricultural markets. These agri-food terminals serve as a place where local farmers and fisherfolks can sell their goods directly to the consumers and the general market,” sabi pa ng kongresista.
Sa ilalim ng HB3957, magiging bahagi ng regular na programa ang pagkakaroon ng Kadiwa stores sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, partikular na bawat lungsod at munisipalidad.
“In line with the clear direction of the current administration to prioritize helping our agriculture and fisheries workers and make food products affordable, it is clear how establishing more Kadiwa nationwide can be a concrete and immediate intervention to the food crisis we face,” pahabol ni Lee.
