Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN
NAGPAHAYAG ng pakikiisa ang Civil Service Commission (CSC), kasabay ng panawagan sa lahat ng government workers sa buong bansa na aktibong makilahok sa iba’t-ibang aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM).
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, base sa tema ng naturang okasyon ngayong taon na, “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan”, binigyan-diin nito ang pangangailangan na magtulungan ang lahat para mapabuti ang katatagan at kahandaan ng bansa sa panahon ng sakuna.
“With 1.9 million civil servants nationwide, government employees have a crucial role in helping raise awareness and promoting the government’s program on disaster resilience. We encourage civil servants to actively engage in the initiatives and activities prepared by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) and the Office of the Civil Defense (OCD), as well as their respective agencies aimed at enhancing preparedness,” pahayag pa ni Chairperson Nograles.
Sinabi ni Chairperson Nograles na bilang pagsuporta ng whole-of-nation approach ng pamahalaan sa pagsusulong ng disaster resilience, ang CSC ay nagsagawa ng inisyatiba upang makatulong sa disaster risk reduction and management (DRRM) agenda.
Kabilang dito ang ipinalabas na CSC Memorandum Circular (MC) No. 21, s. 2018 kung saan ang lahat ng government agencies ay inaatasan magsagawa ng DRRM training upang mapahusay ang kakayahan ng mga kawani nito sa pagtugon at paghahanda sa bantang dulot ng anumang kalamidad.
Ang mga tanggapang ito ay dapat makipag-ugnayan sa NDRRMC at sa OCD para makapagbigay ng DRRM training bilang bahagi ng orientation sa mga bagong empleyado, periodic reorientation naman sa mga dati ng kawani at specialized courses para sa officials at employees na mayroong direktang papel na gagampanan sa DRRM.
Sa ilalim naman ng CSC-Department of Health-Department of Labor and Employment Joint MC No. 1, s. 2020, o ang Guidelines on Occupational Safety and Health Standards for the Public Sector, layunin nito na bigyang proteksyon ang lahat ng government employees mula sa peligrong dala ng injury, sickness, o death sa kanilang pinapasukan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng safe and healthy working conditions.
Ang bawat ahensya ay kinakailangang magkaroon ng risk reduction management system, isang crisis management plan, at contingency program sa isang emergency situation; sapat na emergency supplies gaya ng fire extinguishers, medical first aid kits, at iba pa.
Gayundin ang pagkakaroon ng first aiders, na trained at certified ng Philippine National Red Cross; at pagpasok sa Memorandum of Understanding/Agreement sa pinakamalapit na government health facility para sa pagbibigay ng medical services sa panahon ng emergency.
“While we cannot change our country’s location in the Pacific Ring of Fire or its vulnerability to climate change and other natural hazards, we can do our best to prepare. As public officials and employees, we must do our part by contributing our knowledge, skills, and resources to achieve our collective goal of a safer, more resilient Philippines,” paalala ni Chairperson Nograles.
Samantala, base sa Executive Order No. 29 issued on 28 June 2017, ang NDRM ay nakatuon sa pagkakaroon ng matibay na hakbang sa itinuturing na four thematic areas: ang prevention and mitigation; preparedness; response; at rehabilitation and recovery.
