Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PARA sa dalawang bagitong kongresista sa Kamara, dapat sampolan ang mga katulad ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, kinondena nina House Assistant Majority Leaders Paolo Ortega ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales ang anila’y malinaw na kapabayaan ng noo’y Kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Duterte.
Partikular na tinukoy nina Ortega at Khonghun ang di umano’y kabiguan ni Duterte gamitin ang P2.08 bilyong pondo para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng kagawaran sa panahon ng kanyang pamunuan.
Anila, sadyang inilaan ang nasabing pondo para tiyakin may sapat na pasilidad sa mga pampublikong paaralan at para limitahan ang epekto ng kalamidad at banta sa kalusugan ng mga estudyante, guro, at school support staff.
“In Mindanao, there are hundreds of learners in public elementary schools who had no choice but to attend classes in school buildings that were already weakened and rendered unsafe by a recent Magnitude 6 earthquake. Millions in taxpayers money was already spent on Temporary Learning Spaces (TLS) but these were not put to good use,” pambungad na pasabog sabi ni ni Ortega
Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), sa Region 11 Schools Division Office (SDO) ng Island Garden City of Samal, may nakitang mga bitak sa mga silid-aralan at mga gusali ng paaralan na ginagamit pa rin, partikular ang mga paaralang elementarya ng Libertad, Guilon at Cogon.
Sa San Jose National High School naman, hindi magamit ang TLS dahil hindi pa nailipat ang linya ng kuryente kaya kahit na mapanganib ay patuloy na ginamit ng mga estudyante ang lumang gusali.
“The students cannot use the newly-built TLS because the equipment being used for their classes were not moved. Teachers were understandably worried the televisions, projectors and other equipment would be lost. These are basic stuff that should have been anticipated and properly addressed,” dismayadong pahayag ni Khonghun
Nakasaad sa DepEd Department Order No. 024 s. 2021 na gagamitin ang mga TLS upang maiwasan ang pagkaantala ng mga klase sa panahon ng sakuna o emergency habang nagbibigay ng ligtas na mga pasilidad sa pag-aaral.
Nagbabala ang mga auditor na dahil sa mahinang pagpaplano at hindi wastong pangangasiwa ng mga pondo upang makumpleto ang TLS ay napilitan ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga hindi ligtas na silid-aralan na maaaring magresulta sa karagdagang mga biktima kung muling magkaroon ng malakas na lindol.
Nabatid na mula sa pondong P2,138,322,997.59, inilipat ng DepEd Central Office ang P2 bilyon dito sa iba’t-ibang regional offices nito at iniwan ang balanseng mahigit P138 milyon.
Ayon sa ulat ng DepEd noong 2023, na inilabas ng COA, ang DepEd regional offices sa Central Luzon, Eastern Visayas at Caraga ay may hindi nagamit na pondo mula sa DRRM Funds.
Bigo rin ang DepEd Eastern Visayas na sumunod sa kinakailangang pamamahagi ng DRRM fund na 70 porsyento para sa disaster preparedness at 30 porsyento para sa QRF.
“The problem is the Central Office was too slow in submitting the guidelines on the authority and approval of the downloaded funds. This creates the impression that no proper monitoring was undertaken to safeguard the DTTM Funds,” saad ni Ortega.
Ilan sa mga natukoy na iregularidad sa paggastos ng DRRM ay ang paggamit dito para sa biyahe, accommodation, at seminars ng mga SDO officials, depekto sa mga itinayong gusali at support facilities, at pinekeng mga ulat sa natapos at estado ng mga gusali.
“The sheer absence of concern regarding the welfare of our young learners hints at an appalling level of incompetence by the person in charge. That so much resources were either unused or misused is simply disgraceful, but the fact that it is the public school students who were victimized is nothing short of criminal,” wika pa ni Khonghun.
Taong 2023 nang bigyan ng Kongreso ang departamentong noo’y pinamumunuan ni Duterte ng P2.14 bilyon para sa Disaster Preparedness and Response Program (DPRP) at P2 billion para sa Quick Response Fund (QRF) o kabuuang P4.14 billion. Ang naturang halaga ay bukod pa sa P2.24 billion DRRM Funds na hindi nagamit mula sa nakaraang mga taon.
