
NAKATAKDANG pasukin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) facility sa Muntinlupa City para sa mas malalim ng imbestigasyon sa nangyaring karahasan na ikinamatay ng isang dating New People’s Army (NPA) hitman.
Paglilinaw ng NBI, isasagawa ang imbestigasyon sa kahilingan ni Assistant Secretary Al Perreras na tumatayong officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor).
Enero 2 nang sumiklab ang riot sa NBP Maximum Security Compound kung saan nasawi sa pananaksak ang person deprived of liberty (PDL) na kinilala sa pangalang Ricardo Peralta na dating lider ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB).
Sugatan din sa naturang insidente sina Reginald Lacuerta Bert Cupada.
Bilang pambungad, inatasan ni Perreras si Chief Supt. Roger Boncales na tumatayong Acting Superintendent ng NBP na magsumite ng incident report hinggil sa nangyaring karahasan sa loob ng pambansang piitan.
Apat na kapwa bilanggo ang pinaniniwalaang sangkot sa riot sa loob ng bilibid.