SA unang buwan pa lang ng taon, niyanig ng masamang balita ang mga pasaherong Pinoy bunsod ng petisyon inihain ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa Department of Transportation (DOTr).
Pag-amin no Jackie Gorospe na tumatayong tagapagsalita ng LRMC, target ng petisyon magpataw ng dagdag-pasahe para sa mga commuter ng LRT Line 1 na bumabagtas sa kahabaan ng Taft Avenue.
Paliwanag ni Gorospe, bahagi ng periodic fare adjustment process ang isinusulong na dagdag-pasahe para paghusayin ang serbisyo.
Nakatakda namang magsagawa ng public hearing tungkol sa fare increase petition ng LRMC ang Department of Transportation nitong Enero 9.
Taong 2023 nang aprubahan ng DOTr ang pagtaas sa minimum boarding fee ng LRT 1 at 2 sa P13.29 mula sa P11 at P1.21 per kilometer rate mula sa P1.
