PAGKATAPOS ng ginanap na National Peace Rally, isang salu-salo sa Palasyo ang pinaunlakan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang lahat ng senador, maliban sa isa — si presidential sister reelectionist Sen. Imee Marcos.
Pag-amin ni Imee, walang dumating na paanyaya ang kanyang tanggapan mula sa Palasyo kaugnay ng Palace dinner na inorganisa ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Wala nang iba pang sinabi si ang senador na higit na kilala sa pagiging malapit sa pamilya Duterte.
Gayunpaman, iba ang paniwala ni Senate President Francis Escudero. Anang lider ng mataas na kapulungan, imbitado lahat ng senador. Sakali aniyang may alinlangan, higit na angkop umano magsagawa ng beripikasyon mula mismo sa Office of the President.
“To my knowledge, all members were invited but you have to ask the Palace Protocol to confirm because they were the ones that sent the invites and am just a mere invitee,” wika ni Escudero.
Wala rin umanong puwang ang intriga sa piging na pawang “sosyalan” lang — “It was purely socials and part of the regular/seasonal gathering between the members of the Senate and the President.”
Gayundin ang paglalarawan ni Sen. JV Ejercito — “Not at all. Purely socials. We didn’t even discuss any political issue,”
Ipinagkibit-balikat naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang aniyang intriga sa Palace dinner na itinakda bago pa man inorganisa ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang National Peace Rally na dinaluhan ng hindi bababa sa 1.8-milyong katao base sa pagtataya ng Philippine National Police.
“Not predetermined or influenced by any other event,” ayon kay Pimentel. (Estong Reyes)
