August 8 2023 Traffic builds up along EDSA Guadalupe as massive roads repairs continue on tuesday, with the DPWH reminding motorists to avoid EDSA from August 4-9 for a one time big time repair activitiy. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
TALIWAS sa inaasahan, walang magaganap na rehabilitasyon sa kahabaan ng EDSA pagsapit ng ika-13 ng Hunyo ng kasalukuyang taon. Ang dahilan — inawat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Marcos, higit na angkop muling pag-aralan ang EDSA Rebuild Project sa hangaring humanap ng mas epektibong paraan sa pagsasaayos ng pangunahing kalsada sa Metro Manila.
“Mayroon tayong mga nakita na bagong teknolohiya na hindi natin ginamit sa pagplano ng EDSA rehabilitation. Kaya ang instruction ko kay [Transportation Secretary] Vince Dizon at si Manny Bonoan ng [Department of Public Works and Highways], pause muna doon sa rehabilitation,” wika ni Marcos.
Gayunpaman, walang sinabi ang Pangulo kung kailan itutuloy ang EDSA rehabilitation.
Pag-amin ni Marcos, kailangang kumpunihin ang EDSA, pero diskumpyado ang punong ehekutibo. Aniya, hindi balanse ang magiging gastos kumpara sa benepisyo.
“Ang daming sakripisyo, masyadong mabigat, masyadong mahigpit ang traffic kaya pause na muna ‘yan.”
Aniya, sisikapin ng pamahalaan paikliin ang panahon ng rehabilitasyon mula sa orihinal na tatlong taon tungo sa anim na buwan hanggang isang taon na lang.
“In other words, ang sinasabi ko, we will find a better way na hindi masyadong mahirap,” pahabol ni Marcos.
