KASABAY ng pagdiriwang sa ika-68 kaarawan, binigyang pagkilala ng Kamara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglulunsad ng tinaguriang Bagong Pilipinas.
Sa isang pahayag, inilarawan ni House Speaker Martin Romualdez ang Bagong Pilipinas na isang “pamanang” sumasagisag sa pagkakaisang huhubog sa mga susunod na henerasyon.
Ayon kay Romualdez, ipinamalas ng Pangulo isang anyo ng lideratong may malasakit na ramdam ng mga mamamayan at direksyon patungo sa asampasam na kaunlaran ng bansa.
“Mr. President, your leadership has inspired unity and resolve at a time when our nation faces both challenges and opportunities. Sa bawat hakbang ng Bagong Pilipinas, ramdam ng bawat Pilipino ang direksyon at kalinga na inyong itinataguyod,” wika ni Romualdez.
Garantiya ni Romualdez, mananatiling katuwang ng administrasyon ang Kamara sa pagpapatupad ng mga repormang nagpapalakas sa mga komunidad, nagpapalawak ng mga oportunidad sa ekonomiya, at nagsusulong sa kapakanan ng bawat Pilipino.
“We in Congress remain deeply honored to work alongside you in pushing reforms that will improve lives, create jobs and expand opportunities for all,” dugtong ng lider-mambabatas.
“The achievements of your administration – whether in infrastructure, digital transformation or social protection – are pillars that bring us closer to a nation that is stronger, fairer and more prosperous,” dagdag niya.
Binigyang-puri rin ni Speaker Romualdez ang uri ng pamamahala ng Pangulo, na nakatuon sa paglilingkod at pag-unlad, at hindi pansariling interes.
“Your dedication to service serves as a constant reminder that leadership is not about personal gain, but about collective progress. Sa iyong paggabay, patuloy nating naipapakita na ang pamahalaan ay tunay na para sa tao,” aniya.
Habang ginugunita ng Pangulo ang panibagong yugto sa buhay, nag-alay ng taimtim na dasal si Romualdez para sa kalusugan, karunungan, at patuloy na lakas para gabayan ang bansa.
“As you mark another year of life and service, we pray for your good health and wisdom, so you may continue to guide the Philippines with clarity and strength. Ang bawat panalangin ng sambayanang Pilipino ay nawa’y magbigay sa inyo ng tibay ng loob at lakas ng pangangatawan.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
