SA kabila ng pananahimik ng senador na higit na kilala sa tinatamasang yaman, ibinahagi ng Department of Justice (DOJ) ang isinasagawang imbestigasyon sa dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Partikular ni tinukoy ni Justice Secretary Crispin Remulla si Senador Mark Villar kaugnay ng mga infrastructure projects na “nasungkit” ng mga kamag-anak.
Ayon kay Remulla, nakatuon ang imbestigasyon sa P18.5 bilyong halaga ng mga proyekto sa Las Piñas City.
Kabilang sa mga sinisilip ng DOJ ang pagpapatayo ng school buildings, paggawa ng mga kalsada, asphalt overlay, at mga flood control structure gaya ng revetments.
Saklaw rin ng imbestigasyon ang panahon ng panunungkulan ni Villar bilang DPWH Secretary sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Pasok din sa talaan ng iniimbestigahan sina dating Senador Cynthia Villar, at at Senador Camille Villar. Kapwa nagsilbing kinatawan ng Las Pinas sa Kamara ang mag-inang Villar.
