
KALABOSO sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Parañaque ang dalawang Chinese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa investment scam, ayon sa Bureau of Immigration.
Sa ulat ng Immigration Fugitive Search Unit, unang nadakip ang puganteng Tsino na umano’y nasa likod ng $900-million fraud sa likod ng pekeng investment schemes.
Batay sa rekord na nakalap ng kawanihan sa Juitai District Court sa Chang Chun City, nakipagsabwatan umano ang naturang dayuhan sa mga kapwa Chinese national para makuha ang pera ng 42 investors mula 2016 hanggang 2019.
Timbog din sa Fugitive Search Unit ang isa Chinese national na may derogatory records at hold departure order na inilabas ng Parañaque Regional Trial Court.