“GUSTO niyang pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon para ma-abswelto siya sa kanyang mga krimen.”
Ito ang mariing tugon ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa panibagong banat ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
“Anyone can sit in front of a camera from abroad and spew lies. The statements from the newly crowned champion of the DDS cabal, former Congressman Zaldy Co, are frankly as fantastical as they are false,” bungad na pahayag ng House majority leader.
Ayon Marcos, umaasa siyang hindi makakalimutan ng publiko na ang tinutukoy na personalidad ay walang kredibilidad.
“This is someone who our kababayan’s know to be the architect of this mess yet continues to insult their intelligence by saying ‘wala siyang nakuha’” dugtong ng kongresistang anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Evidently, the only path he sees for himself is one where he stirs political chaos in the hope of escaping his own legal troubles. Gusto niyang pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon para ma-abswelto siya sa kanyang mga krimen,” aniya pa.
Base aniya sa nakalap na intelligence report, si Co ay nakipag-alyansa sa kampo ng mga Duterte — na umano’y makikinabang kapag napatalsik ang kasalukuyang liderato ng pamahalaan.
“Sa aking mga kababayan, si Zaldy Co ay hindi po isang journalist o truth crusader. Siya po ay isang kriminal na umiiwas sa hustisya. Huwag po tayong magpabudol sa kanya. HINDI ITO REBELASYON, ITO AY DESTABILISASYON.” (ROMER R. BUTUYAN)
