WALANG dahilan para palitan ang isang mahusay na pamunuan sa mababang kapulungan. Ito ang buod ng manifesto na nilagdaan ng mga Partylist Coalition Foundation, Inc. (PCFI), kasabay ng paghahayag ng suporta akay House Speaker Faustino Dy III.
Ayon sa PCFI na pinamumunuan ni Talino at Galing ng Pinoy (TGP) Partylist Rep. Bong Teves Jr., pinahahalagahan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang pagkakaisa at katatagan na isinusulong ni Dy bilang lider ng Kamara.
Sa gitna anila ng banta ng pagkakahati-hati, iginiit ng PCFI ang pagkakaroon ng isang sangay ng lehislaturang matatag at mayroong lider na may sapat na kakayahan pag-isahin ang mga miyembro.
Kinilala rin ng naturang grupo ang patuloy na pagsisikap ni Dy para maayos na pag-uusap, pagpawi sa anumang tensyon at magkaroon ng collaborative atmosphere sa hanay ng mga kasapi ng Kamara kahit sa gitna ng mainit na usaping-politikal.
“His approach to leadership focuses on bridging differences rather than deepening divides, making him a stabilizing and calming presence in the chamber,” dagdag pa ng PCFI.
“Our continued support reflects our confidence in his ability to guide the House with fairness and transparency during a crucial period for our nation.”
Para sa PCFI, hindi angkop unahin ang interes sa politika, kasabay ng giit sa mga kapwa mambabatas para manindigan at mananatiling nakatuon sa legislative agenda at mga repormang higit na kailangan ngayon higit kailanpaman.
“Transparency, institutional reforms and substantive legislation that puts the people first are the pathways to ensuring our “Bagong Pilipinas.”
Sa kabuuang, 44 na partylist lawmakers ang lumagda sa nasabing manifesto, kabilang si Teves. (ROMER R. BUTUYAN)
