TULUYAN nang ibinasura ng Korte Suprema ang motion for consideration na inihain ng Kamara kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa desisyon ng korte, nanindigan ang mga mahistrado na “unconstitional” ang paglabag sa probisyong nagtatakda ng “one impeachment per year policy” ng estado sa hanay ng mga “impeachable government officials.”
Partikular na sinopla ng kataas-taasang hukuman ang hirit ng Kamara na baligtarin ang naunang desisyon na inilabas ng Korte Suprema noong Hulyo ng nakaraang taon.
Bagamat naipasa ng Kamara ang impeachment complaint sa senado, hindi na umusad ang prosesong kinuwestyon ng minorya sa mataas na kapulungan.
Matatandaan na noong July 2025, idineklara ng SC sa isang pinagkaisang boto ng mga mahistrado na lumabag sa one year ban rule ang Articles of Impeachment at walang hurisdiksyon ang Senado na ipagpatuloy ang proceedings. (JULIET PACOT)
