SA gitna ng matinding pagsubok, walang puwang ang patulog-tulog.
Ito ang buod ng pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian sa umano’y kawalan komprehensibong contingency plan ng ilang tanggapan ng pamahalaan sa epekto ng giyera sa Gitnang Silangan.
“Parang hanggang ngayon, nagde-debate pa tayo kung may krisis o hindi. Sa amin dito sa Senado, nasa krisis na tayo,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance at ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) panel ng Senado.
“Nakakagulat lang na 25 araw na mula noong nagkagiyera sa Middle East, wala pa tayong national contingency plan,” pahayag ni Aquino sa unang pagdinig ng PROTECT.
“Kahit meron tayong suplay ng gasolina at diesel ngayon, ang problema ay hindi natin tiyak kung may darating pang panibagong stock kapag naubos na. Kung uncertain ang suplay, para sa akin krisis na iyon,” diin ni Gatchalian.
Ayon sa senador, ang sigalot sa Gitnang Silangan ay nagdulot ng pangamba sa suplay ng langis, kaligtasan at seguridad ng mga OFW, at pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain.
Sa usapin ng supplemental budget, iginiit ni Aquino ang mandato ng Kongreso.
