PORMAL nang lumagda ang tatlong tanggapan ng gobyerno sa isang kasunduang naglalayong paigtingin ang kampanya laban sa tinaguriang “online disinformation.”
Sa isang simpleng seremonyang dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Presidential Communications Office (PCO) at Department of Information and Communications Technology (DICT), binigyang diin ang bentahe ng mas pinaigting na koordinasyon para puksain ang paghahasik ng kasinungalingan sa hangarin idiskaril ang kaayusan sa bansa.
Kabilang sa mga tinukoy ang tinatawag na “deep fakes” at iba pang “digitally altered media” na maaaring makaapekto sa tiwala ng publiko at sa integridad ng impormasyon.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), magtutulungan ang mga nabanggit na ahensya sa antas ng “monitoring, information sharing” at pagpapatupad ng batas laban sa cybercrime.
