MATAPOS humupa ang gulo sa senado, umarangkada naman ang balasahan sa chairmanship ng mga committee sa mataas na kapulungan.
Sa basbas ni Senate President Alan Peter Cayetano, nabawi ni Senador Bong Go mula kay Sen. Rosa Hontiveros ang chairmanship ng committee on health and demography.
Tinuklap naman si Sen. Bam Aquino bilang chairman ng committee on basic education. Ang ipinalit – si Sen. Loren Legarda.
Tianggal din bilang chairman ng kani-kanilang komite ang magkapatid ni Tulfo sa senado.
Pamumunuan ni Sen. Rodante Marcoleta ang committee on public services na dating hawak ni Sen. Raffy Tulfo.
Pinalitan naman ni Sen. Jinggoy Estrada si Sen. Erwin Tulfo bilang chairman ng committee on games and amusement.
Kabilang sina Hontiveros, Aquino at magkapatid na Tulfo sa mga bumoto kontra kay Cayetano.
