UMAASA si House Assistant Minority Leader at Kabataan partylist Rep. Atty. Renee Co na walang magiging sagabal sa pagdinig ng impeachment court sa kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Co, marapat lang umarangkada agad ang paglilitis kay Duterte matapos tanggapin ng senado ang Articles of Impeachment na isinumite ng Kamara.
“The impeachment must proceed at once. It is a disservice to the Filipino people if the impeachment hearing is delayed any longer,” wika ng neophyte lady lawmaker.
“Hindi dapat mahadlangan ng anumang gulo sa Senate leadership ang proseso ng impeachment. Oras na ng pananagutan, hindi ng simpatiya o pamumulitika,” dugtong ng militanteng mambabatas.
Para kay Co,, “maling ipaghiwalay ang kalam ng sikmura ng taumbayan at ang pagpapanagot sa mga kurakot. Public service and accountability go hand in hand in the pursuit of justice. Maiibsan lamang ang gutom ng mamamayan kung inilalagay sa tama ang pondong galing sa tax natin.”
“Iisa lang ang panawagan ng taumbayan, pagulungin na ang impeachment, pagulungin na ang mga kurakot!”
