
MULING bumida ang Pilipinas sa daigdig matapos pumangatlo sa talaan ng mga lahing pinakamadalas “sumilip” sa isang website kung saan tampok ang “sining ng kahalayan.”
Batay sa 2024 Year-In Review ng Pornhub, “third most frequent visitor” ang mga Pilipino sa naturang website. Nanguna sa talaan ang mga Kano (Estados Unidos) at mga French nationals.
Bagamat nananatili sa “Top 3” ang Pinas, lumalabas sa datos ng Pornhub ang pagbaba ng ranking ng mga Pinoy kumpara sa mga nakalipas na taon – indikasyon ng kawalan ng interes o paglipat sa ibang pornographic websites ng mga Pilipino.
Taong 2023 nang makopo ng mga Pinoy ang ikalawang pwesto sa taunang Year-In Review ng Pornhub.
Bukod sa Estados Unidos, France at Pilipinas, pasok din sa talaan ang Mexico, Egypt at Colombia.
Sa datos ng Pornhub, mas marami ang babaeng interesado sa naturang website.